Do the PBB Double Up housemates have more issues with each other?
by Bernie Franco | March 08, 2010 3:04 AM |
Bumisita kahapon sa The Buzz ang former Pinoy Big Brother Double Up housemates para i-promote ang kanilang first ever acting project ang Your Song Presents: Isla, na binubuo nina Rica Paras, Cathy Remperas, Johan Santos, Hermes Bautista, Riza Patria, at Sam Pinto. Kasama rin si Paul Jake Castillo subalit wala siya kahapon. Tinalakay din ang iba’t ibang isyung kinasasangkutan ng mga former housemates.
Una na rito sina Cathy at Rica na nagkaroon ng hidwaan dahil hindi umano nagustuhan ni Rica ang mababaw na dahilan ng pagboto for nomination sa kanya ni Cathy. All the while din daw ay inakala ni Rica na kaibigan niya si Cathy. Pero kahapon ay sinabi ng dalawa na muli silang nag-uusap. “Nagkausap na kami nagso-sorry na din naman ako sa kanya kung anuman ‘yung pagkakamali ko sa kanya,” ani Cathy. “Nagso-sorry na rin ako. Now we’re very good friends.” Sinabi naman ni Rica na colleagues sila ngayon and they are trying to know each other.
Itinanggi naman ni Patria na insecure siya sa Big Winner na si Melai Cantiveros na sikat na ngayon. Aniya magkaiba sila ng personalidad at sinabi pang kaibigan din niya si Melai. “I could never be Melai and Melai could never be me, we’re totally different individuals,” sabi pa ni Patria.
Sinabi naman ni Johan na isasantabi muna niya ang intensyong ligawan si Cathy dahil gusto niya ituon ang pansin sa showbiz career at gayundin si Hermes na parehong na-link sa dalaga noong sa loob pa sila ng bahay.
Wala naman daw katotohanan ang mga isyung nililigawan ni Willie Revillame si Sam na maugong na malakas na contender na maging co-host sa Wowowee. Dream come true rin daw na makasama niya ang crush niyang si Gerald Anderson sa kanilang upcoming project. Umamin nga siyang na-star struck sila pero very nice naman daw sa kanilang lahat si Gerald.
Ang kanilang Your Song Presents: Isla ay magsisimula na sa March 21 pagkatapos ng ASAP XV.
Log on to www.ABS-CBN.com or http://pinoybigbrother.multiply.com for more updates on Pinoy Big Brother Double Up.