PBB’s Melason prefers to be realistic with their relationship
by Bernie Franco | March 08, 2010 3:01 AM |
Sa pagsalang kahapon sa The Buzz ng sikat na team-up na sina Melisa Cantiveros at Jason Francisco, hindi raw nila masasabi kung sila na nga hanggang sa huli. “Hindi ko po masasabi kasi po maraming bagay pa po kaming dapat pagdaanan dapat kelangan lagi kaming nag-uusap kung hindi nagkakaintindihan para di magkalabuan di ko masasabi na forever,” ang paliwanag ni Jason.
For her part, sinabi naman ni Melai na sana ay si Jason na ang kanyang huling lalaking iibigin. “Ang hirap naman may makita iba, mag-adjust na naman,” kuwento ni Melai. Sinang-ayunan naman niya ang sinabi ni Jason na hindi nila masasabi kung sila talaga pero wish pa rin niya na si Jason na nga ang “the one.” “Gusto ko po siya na.”
Kung dati ay sinabi ni Jason na hindi siya tatagal sa showbiz, sinabi niya sa The Buzz kahapon na nais muna niyang mag-ipon muna para makapagpagawa ng bahay pero pagkatapos daw noon at magkaroon ng maayos na buhay ay pwede na siyang umalis ng showbiz. Sinabi naman ni Melai na kung papipiliin man siya ni Jason kung siya o ang kanilang career, natatawang sumagot ang Big Winner, “Pwedeng tanungin niya ako after one year?” Obviously ay gusto ring mag-concentrate ni Melai sa kanyang career.
Nang tanungin kung anong namumukod tanging katangian nila na gusto ng isa’t isa, inilarawan ni Jason si Melai bilang sobrang thoughtful samantalang inilarawan naman ni Melai si Jason bilang mabait na tao at may concern talaga sa kanya.
Log on to www.ABS-CBN.com or http://pinoybigbrother.multiply.com for more updates on Pinoy Big Brother Double Up.